Miss na miss na kita. As in, supeeeeeeeer. Diba Olympics ngayon dito, apat na yung gold ng Canada- tatlong silver, at isang bronze. Tapos tapos yung theme song ng Vancouver 2010, I believe- tapos may isang line dun sa song sabi "I believe the time is right now, stand tall and make the world proud."
Tuwing naririnig ko yung part na 'yun, naiiyak ako. =)) Di ko alam kung bakit. Siguro kasi nagaapply siya sa kung ano man ginagawa ko ngayon- ginagawa ko ang lahat para maging proud kayo sa akin, para rin di niyo ako makalimutan. :)
Anyway, kagabi- nagpunta kami ng mommy ko sa Downtown para puntahan yung olympic village, at yung olympic torch.
Robson Street
Winter Games Cauldron (Olympic Torch)
I believe together we'll fly, I believe in the power of You and I. :)
I Love and MISS You so much, ALLMAAAATE! >:D<
Love, CHUA. :)
Wednesday, February 17, 2010 @ 10:42 PM
Allmaaaaaate! >:D<
Sorry, ngayon lang ulit ako nakapagblog. :( Ngayon lang kasi ako nagkatime eh, puro 8 hour shift kasi yung binibigay sa akin, at the same time- nagaaral ako para sa driving test ko next week. ;)) Magkknowledge test ako either sa Monday or Wednesday next week, tapos pagnapasa ko 'yun, meron na akong license. \:D/ Sana mapasa ko. :D
Tapos tapos Jesnin! Dalawa na yung gold medal ng Canada sa olympics, tapos dalawang silver at isang bronze. Pang 4th lang ang Canada, USA yung una tapos France ata. :))
Wait. Paano mo nalaman 'tong blog? Eh di ko pa naman sinasabi sayo 'to? at wala rin akong sinabihan, kahit nga si kat eh- walang alam. :o State of shock ako. =)))) Anyway, at least nakita mo na. :)
Jesniiiin. gusto kong magpagupit. :( =))) Kaso, natatakot ako- kasi baka di kami magkaintindihan nung gugupit sa akin tapos pumangit na ako. :( =)))) Natatakot talaga ako. Gusto ko kasi pilipino yung gugupit sa akin, eh yung nagiisang filipino parlor shop nasunugan pa. :| =)) so maghahanap pa ako. =))
Allmate, kamusta ka na? May promdate ka na? :D Pagnagkaabot tayo sa Y!M, magkkwento ka rin ha? >:D<>:D<
Sige Jesnin, until next time. I Miss and Love you so muuuuuch! >:D< Ingat ka palagi. :)
Love, CHUA. :)
Monday, February 8, 2010 @ 10:20 PM
Jesniiiiiiiin!
Hello. I MISS YOU na talaga, like super duper. :( Sorry talaga kung di ako nakakapagonline ng maaga, sinusubukan ko talaga na matulog ng maaga. Promise, this week- makakapagusap na tayo ulit. :D
Tapos tapos Jesnin, grabe yung preparations ng Vancouver para sa Olympics, sa Friday na kasi yung openning. Sa McDonald's pa nga lang eh, binigyan kami ng bagong uniform, color red siya- tapos may nakasulat na Canada sa likod. =)) Tapos, yung mga happy meal toys namin- yung mga olympic mascots. Tapos tapos, sinara na rin yung ibang streets/roads sa downtown- tapos nilagyan na nila ng harang- tapos yung harang, yung olympic posters ang nilagay. :))
Tapos ito yung theme song para sa Vancouver 2010 Olympics:
Jesnin! Gusto ko manuod ng kahit isang event sa olympics, kaso may pasok ako sa McDonald's. :( Nga pala, spring break din namin next week- ang aga nga ng break namin eh, yung olympics kasi. Pero mas okay na yun, kasi sabi nila mahirap daw pumasok during the olympics kasi raw marami ang pupunta dito. :|
Anyway, gusto ko lang i-share sayo yung nangyayari dito sa Vancouver. :)) Sana nandito ka ngayon para mas masaya yung magiging spring break/olympic experience ko. >:D<
Ingat ka palagi ha? I LOVE and MISS YOU SO MUUUUCH! SEE YOU SOON. :)
Love, CHUA. :)
Thursday, February 4, 2010 @ 10:55 PM
Jesniiiiiiiiiin!
Tingnan mo 'tong picture na 'to .
Ang galing 'no? Ginawa namin yung olympic rings. Yung mga naka blue- grade 9's, green-grade 8's, red - grade 10's, yellow- grade 11's, black- grade 12's. tapos yung nagiisang naka-white dun sa gitna, napili siya ng vancouver olympic committee na maging torchbearer para sa olympics. @-)
Tapos tapos Jesnin, bukas :D Pupunta ako sa whistler, magchcheer kami para dun sa naka-white. 12pm kami aalis ng school, tapos darating kami dun ng mga 1:30, tapos 5:30pm na kami makakabalik sa school. Ito na siguro yung pinakamagandang nangyari sa akin dito. :)) Once in a lifetime experience kasi eh. :D >:D<>:D<
Ito nga pala yung physics project na ginawa ko:
Gumamit ako ng penne pasta, and spaghetti. Grabe, ang tagal matuyo ng glue. @-) pero in all fairness, successful siya. Kasi yung weight nung bridge, 217g- tapos dapat siyang makahold ng 6kg. ang na-hold ng bridge ko, 5.5kg. :| .5 lang yung kulang para makakuha ako ng perfect score. :(( Tapos tapos, nilait pa ako ng kuya ko. =)))) Mukha raw siyang bamboo boat- di raw makakahold ng weight. :)) =)))) Oh well, at least tapos na yung project. Makakatulog na ako ng maaga, tapos makakapagonline na ulit ako. \:D/ YEEY! :D
Aww, Jesnin! MISS NA MISS NA TALAGA KITA. :( Nung nakita ko yung pictures nung party mo sa facebook, nainggit ako. Pero sinabi ko sa sarili ko, na pagbalik ko- magpparty din tayo. :D >:D<>:D<>:D<>:D<>:D<
Always and Forever,
Maiqui CHUA :)
Thursday, January 21, 2010 @ 10:57 PM
Nielle Jesnin Santos Bansil,
Panuorin mo 'to. Super ganda nito, nakakaamaze. :))
BELATED HAPPY BIRTHDAAAAAAAAAY ALLMAAATE!
Sorry kung late ko na 'to napakita sayo, alam mo naman ako- mabagal. :P Pero kahit mabagal ako, di ko nakalimutan yung birthday at yung gift ko para sayo. >:D<
Sana patuloy kang maging masaya, Sana patuloy kang maging mabait at mapagmahal. Sana, hanggang sa huli- Allmates pa rin tayo. >:D<
I LOOVE YOU and I MISS YOU SO MUUUUCH! :(
Love, CHUA. :)
@ 10:46 PM
Nielle Jesnin Santos Bansil,
Kumusta ka na? Siguro nagtataka ka kung bakit ko ginawa 'tong blog na 'to. Ginawa ko 'to, kasi naisip ko na since wala pa dito yung notebook- dito muna ako magsusulat ng mga bagay na di ko nasasabi sa inyo. :)
Grabe, ang tagal na nating di nagkakausap. Ang bilis din ng panahon. Parang kelan lang nung nagiyakan tayo sa hallway sa school, parang kelan lang nung lagi tayong nagkukulitan sa loob at labas ng classroom. Kung iisipin natin, tatlong taon na ang nakalipas.
It has been three years since we became friends. June 2007, we became classmates. December 2007, we became Allmates. 'kay bilis nga naman ng panahon. ;)
Ang tanda na rin natin. :| Next year, maggraduate na tayo- tapos magccollege na. Kanya kanya na tayo ng schools. :( Pero okay lang din, bibisitahin ko naman kayo- MALAPIT NA. :D Tanda na natin. :( Ayokong tumanda, mas dumadami kasi yung expectations, dumadami rin yung obligations natin. ;| Basta promise natin ha, walang iwanan? >:D<>:D<>:D<>
Love, CHUA. :)
Always and Forever
Hello.
How are you?
I MISS YOU. Yes, SO MUCH.
I made this for you.
MY KEY
HELLO! I'm Maiqui I have my key. Do you have your key?
Live, Love, Laugh.
I enjoy life to the fullest.
I hope for the best. and
I wait for the day.